12.6.06

ILONG NG BAKA

Ni U Z. Eliserio



1. Mas una ko pang nahalikan ang mga suso ni Lynda kaysa ang kanyang mga labi. High school graduation, sa aming sala, nang madede ko ang kaliwa. Unang taong anibersaryo namin nang masupsop ko ang kanan. Mula Isabela hanggang Laguna, halos kalahating araw na biyahe, tiniis ko kasi finals nila sa Los Baños at hindi s'ya makauwi sa aming probinsya. Sulit naman. Laking pasalamat ko sa apat n'yang kaboarding house at binigyan nila kami ng panahon para makapag-isa.



Sabi ni Lynda magpapahalik lang s'ya sa labi sa lalakeng pakakasalan n'ya, at ang unang halik ibibigay lamang n'ya pag sinabi na ng pari ang "You may kiss the bride." Ang nanay ko hindi nagtatrabaho at tuluyan nang naging kabaw dahil sa aking tatay. Wala akong planong matali tulad n'ya. Kaya tinanggap ko na rin, kahit na masakit kasi mahal ko s'ya, na hindi ko mahahalikan kahit kailan ang mga labi ni Lynda.



Ikalimang anibersaryo namin. Sa mga usapan namin sa selepono (salamat sa Sun!) naghihint si Lynda na magpapatikim ulit s'ya ng puke. Excited ako. Sa apat na taon ko s'yang dinadalaw sa LB, noong nakaraang taon lang s'ya nagpabrotsa. Sa Isabela hanggang tsupan (para sa akin) at lamasan (para sa kanya) lang kami. Nangungulila ako sa puke n'yang amoy unang natuluan ng laway.



Kaya ito na naman ako, nakasakay sa HM, natatrapik sa Cubao, malasado ang mga pigi dahil sa biyahe mula Isabela, Lunes pa makakabalik.



Sina Jinggoy Estrada at Amanda Page ang nasa TV--sampung taon na yata 'tong pelikula. Amoy aso ako. Pero para sa mahal ko, gagawin ko kahit ano.



Kakaibang babae si Lynda--Math major, marunong tumugtog ng gitara, napakamahusay mag-Fookien (Valedictorian pa namin, sa Santiago High), s'yang walang dugong Tsino!). Muntik ko na s'yang hindi ligawan, pabestfriend-bestfriend ang gimik ko noong 3rd year kami. Nagkadengue s'ya, isang linggo akong umabsent para magbantay. Nang lumbas s'ya ng hospital nagtapat ako, sabay bagsak ng mga luha. Ayaw kong kahit kailan ay magkahiwalay kami. Walang hahadlang, kamatayan man o "pagkakaibigan." Pareho pala kami ng nararamdaman.



Mas matandang version ni Lynda ang katabi ko sa bus--malalaking mata sa likod ng makapal na salamin, bakat ang bungo, banat ang balat, matangos ang baba. Sinta ko, miss na miss na kita.



Inilibas ko ang aking selepono mula sa backpack at pinanood ang sex video na pinadala n'ya sa 'kin. Ang record ng masturbation na 'to ang pumalit sa La Salle sex scandal bilang numero uno kong paborito. Halos tatlong minuto at, ayon sa kanya, dalawang orgasm. May mga araw na ito na lang ang pumipigil sa aking pagtataksil. May mga gabing hindi ito tumatalab.



Si Berlin, roommate/bestfriend n'ya, ang kumuha nito, gamit ang seleponong regalo ko. Tuwing darating sa close up sa mukha ni Lynda pinopause ko ang video. Takang-taka ako sa bukang-bukang bibig at dilat na dilat na mga mata. Dati'y hindi interesado sa technosex, pero kakakulit naconvert ko rin s'ya. Pag tumatawag s'ya, picture ng kanyang utong ang lumalabas sa aking screen. Kaliwang utong, ang mas malaki. Hindi talaga malaki, imbes na parang pasas hitsurang Ovalteenies.



Biyernes, kaya trapik. Sa boarding house nila ako matutulog, Linggo ng hapon bibyahe pabalik, diretso na sa eskwela. Isang oras nang gumagapang ang bus, nasa may Guadalupe pa lang kami. Rockwell. Noong nakaraang Christmas vacation sinundo ko si Lynda. Pa-Isabela bumaba kami rito para manood ng sine. Return of the King, boring. Nakapalda si Lynda noon, sinadyang di panty. Unang finger sa public place. Return of the King ang paborito kong pelikula.



Itatago ko na sana ang selepono nang magvibrate ako. Mensahe mula sa aking sinta: "Kenken, anatoy ka? Namimiss kan launay. Aganad ka!"



Ibinulsa ko na 'to. Kahit na miss na miss ko na s'ya, tiniis ko. Alam naman n'yang darating ako, kaya buong araw akong hindi nakikipagcommunicate. Para pagdating ko sa kanila'y mas mainit ang aming pagkikitang muli.



Sumitsit ang pinto ng bus. Binuksan ito ng driver para papasukin ang mga vendor. "Mani, mani, mani!" "Apple, apple, apple!" "Mineral, mineral, mineral! Sinong uhaw d'yan?" Bumili ako ng sampung pisong mani at tubig. Baka matae at maihi ako bago dumating sa LB, pero hindi ko naman matiis ang gutom at uhaw. Merong mga pangangailangang hindi pwedeng ikaila.



Pagod ako't antok, pero hindi ako makatulog. Sa likod kasi ako nakaupo, ramdam na ramdam ang tagtag. Ayoko rin namang masuka kaya iniwasan ko ang mahabaang kantutan sa TV sa harapan. Inilabas ko ang nobelang ipinadala sa akin ni Lynda sa pamamagitan ng LBC. Tatlong linggo ko na 'tong binabasa.



"Omigod!" sigaw ng aking katabi. "Omigod! You read Gabriel Garcia Marquez?"



Burat na burat na 'ko sa librong 'to. Ano naman ang intesante sa nagliligawang matanda? Tumitig ako sa clone ni Lynda. "Oh. Yes. He's one of my favorite authors."



Iyon ang simula. Napunta sa iba pang nobela ni Marquez (pero s'ya lang ang nagsalita), tapos sa paborito kong awtor (Sidney Sheldon, the besh!) hanggang musika (pareho naming trip si Usher). Nagminiconcert kami sa likod ng bus, buti na lang tulog ang mga nasa paligid namin. Sa dulo, palakpakan.



"Omigod! Omigod!" Nakakatusok ang kanyang boses. "Omigod! I don't even know your name!"



"A... Kenneth." Inalok ko ang aking kamay.



"Mona."



Mona? Monang monay ang mga joga. "You're... from Laguna?"



Hindi, may binibisita lang s'ya, sa Sta. Cruz. Taga-Cubao talaga s'ya, kahera sa Odyssey SM North. Hindi s'ya mukhang bente syete. Mukha s'yang lampas trenta. Pero nabighani ako sa kanya. Sa mga matang sinlaki ng kamao, sa mga labing laging nakapwestong humalik.



Sa sumunod na dalawang oras si Mona na lang ang nagsalita, puro tango na lang ako, titig na titig sa kanya. Kung tatanungin ako ngayon kung ano ang kanyang mga sinabi, hindi ko sasabihin. Banal ang kanyang mga salita, at itatago ko ang mga ito, para sa 'kin lang. Ang bus ride na 'yon ang ikutang pangyayari sa aking buhay.



Halos umiyak ako nang sumigaw ang konduktor ng "College! College!" Hindi ako makapaniwalang hindi ko na muling makikita si Mona.



"So," sabi n'ya, "this is it."



Simbigat ng punong-punong maleta ang backpack ko. Kalahating tiklop ang aking mga tuhod sa pagtayo. "Goodbye... Maybe we'll see each other again."



"I'm sure." Ang kanyang ngiti...



Tumalikod ako.



Nagsimulang maglakad palayo.



Nagfocus ako sa TV, kina Jinggoy at Amanda, para di bumigay.



"Kenneth?"



Bumaling ako sa aming inupuan. Sumunod pala s'ya sa 'kin. Nagdikit ang aming mga ilong. Hinalikan n'ya ako.



"Take care of yourself."



Bumaba na 'ko sa bus. Sa gas station ng Petron. Sumakay ng jeepney papasok ng UP Los Baños. "Chapel po," sabi ko sa driver. Katabing-katabi ng Gonzalez ang St. Therese Parish. Tumingin ako sa relo ng aking katabi. Malapit nang mag-eight. Nang umarangkada na kami, doon ko lang natanto ang nangyari. Gusto ko sanang pumara, habulin ang bus. Pero alam kong huli na. Humagulgol ako. Wala akong pakialam sa mga bulong ng mga kasakay ko.



Pagdating ko sa gate ng Gonzalez umiiyak pa rin ako. Basang-basa na ang Good Morning towel na pinampapahid ko sa aking mga luha. Trenta minutos yata akong tumayo dun. Hindi ko makilos ang aking mga paa.



"Kenneth?" tinig mula sa likod.



"Mona!" sigaw ko. Pero iba ang mukhang tumambad sa akin. Si Berlin. Tinanggal n'ya ang headphones ng suot na CD man. Noong nakaraang taon nakasex ko s'ya sa kwarto nila nang mangumpisal si Lynda sa St. Therese pagkatapos mantsupa. Laging nangungumpisal si Lynda pagkatapos naming magharutan. Hindi ko maintindihan ang kanyang guilt. Pero nakakaramdam din naman ako ng tawag ng konsensya. Kaya sa pagsesex namin ni Berlin hindi ko s'ya hinalikan sa mga labi--at sa mga suso. Ganito ako sa lahat ng aking pakikiapid.



"Lika, pasok na tayo," sabi n'ya. "Kaninang umaga ka pa hinihintay nun. Muntik na ngang di pumasok sa finals sa PE." Nakakatawa, ang puting racer back na suot n'ya ang suot n'ya noon. "Alam mo na ba ang bagong trip namin ngayon? Dawn greeter na kami. Alas sais magkikita kami, mga estudyante at ilang titser, tas lalakad papuntang IRRI. Dalawang oras na lakad, imagine! Kung di lang gwapo si Sir Eliserio..."



Sinara ko ang aking mga tenga. Mabait si Berlin, s'ya ang nagsuggest na h'wag naming sabihin kay Lynda ang tungkol sa aming one morning stand, pero kailangan ko ng kapayapaan. Nagfocus na lang ako sa ibang boarding house. Malaking lote ang komunidad ng Gonzalez, at iba-ibang uri ng bahay ang pinapaupa sa mga estudyante. May three floors, may kwarto't banyo lang. May green, may blue, may mukhang sapatos.



Pagdating nami sa bahay nila, naglabas ng susi si Berlin. "Wala 'yung iba, natutulog si Lynda," sabi n'ya. "Sleeping Beauty." Pumasok kami. "Dito muna ako sa room nila." Binigay n'ya sa akin ang susi ng kwarto nila ni Lynda. Sinuot n'ya ulit ang headphones ng CD man. "H'wag masyadong maingay." Kumindat s'ya.



Tulog nga si Lynda. Binaba ko ang bag sa tabi ng kanyang kama. Nakatshirt at shorts s'ya. Pinanood ko ang dahan-dahang taas-baba ng kanyang dibdib. Pinagmasdan ko ang mga susong simbolo ng aming pag-ibig.



Hinaplos ko ang mga ito.



Umungol s'ya. Napatingin ako sa kanyang mga labi. Gaano katagal? Hanggang kailan? Pumatong ako sa kanya.



Hinalikan ko ang kanyang mga nakapikit na mata.



Ang kanyang baba.



Ang kanyang mga...



Bumukas ang mga mata ni Lynda. "Kissinnak? Nagkasar tan?"



"A..."



Tinanggal n'ya ang kanyang tshirt. Tinanggal n'ya ang kanyang bra. Ang kanyang shorts, ang kanyang panty. Naghubad na rin ako. Dinakma n'ya ang aking titi. S'ya ang nagpasok nito sa kanyang puke. "Happy anniversary!"



Nagsex kami.



Pagkatapos, bago tuluyang maidlip, tinanong ko s'ya, "Bakit iba ang amoy?"



"PH Care."



Natulog na ako.



Paggising ko wala na 'kong katabi. May iniwang note si Lynda: "Haan ka nireing. Ammo na banog ka ti biyahe. Ginabla awak lang ti barbangon. Agtam nigad ta pagsangpid ko."



Hinanap ko ang aking bag. Nilabas ko ang aking selepono. Seven, swak. Inilabas ako ang aking twalya. Nagmadali akong pumasok ng banyo. Tumae, naligo. Mabilis akong nagbihis.



Nagjeepney ako pabalik ng gas station ng Petron. Sumakay ako sa unang bus na dumaan, Green Star, hanggang Magallanes lang. Bahala na si Bathala. Sa loob may nagbebenta ng Buko Pie. Nakakapaso, pero nakakabusog.




2. Sinubukan akong kausapin ni Lynda, siyempre. Hindi ako nagreply sa kanyang mga text. Cinancel ko ang kanyang mga tawag. Pagbalik ko sa Isabela nagpalit ako ng SIM card. Isang linggo ang lumipas. Tas tumawag s'ya sa nanay. Napilitan na akong magtapat.



Bungad ko sa kanya: "Break na tayo."



Hindi s'ya umiyak. Wala s'yang tanong. "Sige. Agyamanak. Paalam. Kanayon ka na aganad."




3. Nang mag-Christmas vacation umuwi si Lynda sa Isabela. Ninos Inosentes, mag-isa ako sa bahay, nang may narinig akong katok. Nasa gitna ako ng One Hundred Years of Solitude, engrossed na engrossed, at yamot nang binuksan ang pinto.



Pinilit kong tanggalin ang simangot sa aking mukha. "Ikaw pala..." Hindi ako nagtagumpay.



"Maligayang Pasko." Inabot n'ya sa 'kin ang isang kahong green at red ang wrapper.



"Salamat, salamat." Fuck, wala akong gift para sa kanya! "Pasok."



Nakaracer back s'ya. Itim. Iniwan ko s'ya sa sala. Bumalik akong may dalang orange juice at peanut butter sandwich. Iniwan sa 'kin ni nanay, pang-agahan, bago sila umalis ng tatay para magsimba. Umupo kami sa magkaharap na sofa. Ayaw ko sa amoy ng peanut butter, nakakasuka 'to. Alam 'yun ng nanay, pero dahil hindi ako sumama ng simbahan, nakalimutan n'ya... "Kain. Inom. Kumusta na?" Pinilit kong makinig tungkol sa kanyang adventures sa LB, sa kanilang Dawn Greeting, sa kasong isinampa ni Berlin laban sa Sir nilang si Eliserio. Mas malakas ang tawag ni Marquez.



"Addan sa ti ararimitem."



Umiling ako.



Tumayo s'ya at kumandong sa akin. "Kenneth, ay-aten ka. Aramidek ti hamamen para ken ka." Niyakap n'ya ako.



Hinalikan n'ya ako sa ilong.



Sa magkabilang pisngi.



Huminga s'ya nang malalim.



Dalawang kamay ang ipinantakip ko sa kanyang bibig. Alam ko kung saan pupunta ang kanyang ginagawa. "Ok lang. Hindi kailangan."



Tumango s'ya. Nagpapasalamat ang mga mata. Tumayo s'ya ulit, naghubad. Sumunod naman ako. Mahigpit ang hawak sa kanyang mga pigi, pumusisyon ako para halikan ang kanyang mga suso.





Para kay Edlyn






Unang nalathala sa Philippine Collegian
Vol. 83, No. 19, February 9, 2006




Itinamang bershon
Oktubre 20, 2006