Larawan mula sa Wikipedia |
Pangatlong pelikula na ito ni Paul Thomas Anderson na
napanood ko. Pinakagusto ko ang Magnolia, bagaman meron ding emosyonal
na dating ang Punch-Drunk Love, gusto ko ang ideya na pinapalakas tayo
ng pag-ibig.
Kailangan kong humingi ng paumanhin kay Anderson kasi
akala ko s'ya ang direktor ng Almost Famous, at dapat sisimulan ko ang
rebyung ito sa pamamagitan ng pagsabing dapat ata iyong Almost Famous ang
dapat kong panoorin, at baka iyon ang mas magandang gawa n'ya. (Boogie
Nights pala ang naisip ko.)
Di ko kasi gets kaya di ko nagustuhan ang Inherent
Vice. Ay tink ang pinakagusto kong part n'ya ay... ang trailer na ninanareyt
ni Pynchon para sa pinagbatayang nobela. Nakakatawa kasi 'yon kasi namahalan si
Pynchon sa presyo ng libro. Natawa naman ako nang ilang beses sa pelikula, pero
hindi yata pagpapatawa ang pangunahin niyang layunin. (Pinakanakakatawa iyong
pagtatangka ni Doc na umeskapo kay Big Foot at sumadsad s'ya sa kotse.) E kaso
di rin naman ako nahugot ng misteryo. Ni hindi ko nga maintindihan kung sino
yung Big Bad e (pero nagustuhan ko 'yung pagkakabaril sa kanya ni Doc sa dulo).
Ke laki ng utong ni Katherine Waterstone. Ganun ba kaya
talaga iyon, o may manipulasyon para magmukhang 70s ang dating? Di naman ako
nahinaan sa pag-arte ni Owen Wilson, pero distracting s'ya, di tulad ni Benicio
del Toro. Hindi naman kailangang sabihin, pero lagi namang magaan sa mata si
Joaquin Pheonix.
Hanggang ngayon, Vineland lang talaga ang natapos
kong nobela ni Pynchon. Di ko naman ito hate, at noon pa nga'y nasabi kong
nagustuhan ko (pero nakalimutan ko na 'yung mga parteng nagustuhan ko, pwera na
lang 'yung linyang "tuwing hinahalikan n'ya ang puke mo hinahalikan n'ya
ang titi ko," napakalupit talaga ang alaala, lagi lang itong lumalabnaw).
Syempre pa, dapat idikriminalayz ang drugs. Kamatayan sa
parusang kamatayan, kamatayan sa bilangguan.