(Larawan mula sa Wikipedia) |
Gusto ko lang sabihing nakakatawa si Jodi Sta. Maria. Di
ko akalain. Di ko malaman kung ano ang role n'ya sa Tabing Ilog, pero
alam ko di s'ya nagpapatawa sa Be Careful with My Heart. Anong ibig
sabihin pag remarkabol ang pagiging nakakatawa ng isang aktor? Gusto ba natin
silang ikulong sa mga papel na nakasanayan na nating ginagampanan nila?
Nakakatawa si Jodi Sta. Maria, pero sana magstik s'ya sa feel good roles.
Hindi sa hindi feel good ang The Achy Breaky Hearts.
Bagaman mapaglaro si Jadaone sa tropes ng pelikulang Filipino (usapan sa may
pintuan, sayawan portion, atbp), hindi naman ito Babae sa Septic Tank.
Siguro pwede tayong magkoyn ng formula para sa mga pelikulang Jadaone: ang
nakaraan, nang may baryasyon.
At anong uring baryasyon! Mas mahusay syempre ang unang
ending, mag-isa si Jodi ay masaya, pero katanggap-tanggap naman ang pangalawa.
Minsan talaga, ang pwede mo lang piliin ay wag pumili. Lalo na kasi't di naman
limitado talaga sa dalawang tao ang pwede mong pagpilian.
Kamatayan nga lang sa product placement. (Adik po ako sa
Coke. Masarap po ito.) At ansama lang ng mensahe tungkol sa unwanted
pregnancies (abortion po at hindi kasal ang sagot). Saka kailangan talagang
sabihin, Jodi, limang taon kayo ni Sir Chief, di ka ipinakilala sa mga
magulang, pakiramdam mo talaga magsasama kayo sa ilalim ng isang bubong? #goian
Ano bang dapat nating gawin sa mga pelikulang ganito?
Aba'y dapat suportahan at panoorin sa sinehan. Kailangan talagang kung
papanoorin sa sinehan ay Filipinong pelikula lang dapat. Kung di mapigilan ang
manood ng mulang Hollywood, piratahin na lang. (Kunwaring may gustong
pelikulang Hapon o galing sa Europa, katanggap-tanggap ding panoorin ang mga
ito sa sinehan.)