(Zhu "Kokachin" Zhu, larawan mula sa Wikipedia) |
Ano bang problema ng season na 'to't paka-disappointing?
Dahil ba mas mahusay na kontrabida si Jian Sidao kaysa kay Ahmad? Hindi lang sa
mas mahusay si Sidao, kundi di talaga ako makasakay sa mga
"mastermind" na uri ng kontrabida. Minsan merong wow twist moments,
pero mas madalas meron lang pagtataka kung paano nagawa ni ganito ang ganire e
ganun at ganyan. Pakarami kasing salik e, di mo makokontrol lahat. Sana kung si
Darth Sidious ka, maniwala pa ako.
Gusto ko pareho ang backstory ng dalawang kontrabida. Ang
pagiging in love ni Sidao sa sex worker n'yang kapatid. Ang pakikipagtalik ni
Ahmad sa sex worker n'yang nanay. Ang paraan para malaman kung sino ang
magiging masamang tao sa mundo ng Marco Polo: sino sa kanila ang umiibig
sa sex worker?
Nabanggit din naman ang mga sex worker, mas kaunti ang
nakahubad sa season na ito. Kaso meron pa rin. Ba't di na lang sila pumili sa
pagitan ng wala at todo-todo? Sino ba kasi ang gusto ng balanse?
Sa unang season, di ko maintindihan kung ano ang problema
ni Yusuf at umamin s'yang nakipagsabwatan laban kay Kublai. Di ko pa rin magets
hanggang ngayon. Ang maganda sa season 2, walang ganyang kalituhan. Ang hindi
maganda sa season 2, gaano ba katanga si Ahmad at inisip n'yang di s'ya
pagtataksilan ni Mei Lin pag inilagay niya sa panganib ang anak nito,
samantalang lahat nga ng ginagawa ni Mei Lin ay para dun sa bata?
May saysay na ngayon ang "Marco Polo: One Hundred
Eyes," pero na-disappoint din ako kay Hundred Eyes, kasi di s'ya
nakipagbalikan kay Lotus. Tungkol kay Kublai, sinabi ni Marco: "Mas
matindi ang kanyang kadakilaan kumpara sa kanyang mga kahinaan." Talaga
bang magsisilbi ang kahit sino sa isang taong malay na pumapatay ng bata?
Sabagay, drones. Pero iyon na nga. Hindi kahanga-hanga si Kublai, kahit emperador
ang batang pinatay n'ya, at hindi na rin kahanga-hanga si Hundred Eyes.
Pero hindi naman tayo nanonood ng telebisyon para humanga
sa kabaitan ng mga tao. Pag lumalabas si Lotus, gumaganda ang palabas, kasi pag
nandun s'ya laging may karatehan (kung fuhan?). Gusto ko rin ang arc ni
Kokachin, at naniwala talaga akong sumulpot muli ang Blue Princess (ayaw ko
talaga sa mga kwento ng kabaliwan). (Ang ayaw ko rin, mas lalo pa, ay ang
pagpapakamatay n'ya sa dulo, dapat talaga pinatay na lang s'ya nang diretso ni
Chabi.) Pinakamaganda ang pagpatay ni Kublai sa batang emperador. Sunod na
pinakamahusay ay ang pagpatay ni Jingim kay Orus.
Mas maraming problema ang season 1 kumpara sa 2 (di ko pa
rin magets kung bakit di napatay ni Hundred Eyes si Sidao sa una nilang laban,
tas sa pangalawa ay nagawa na n'ya), pero mas gusto ko pa rin ang una sa huli.
Sana sa season 3, mas marami silang patayin na crusaders.