Showing posts with label komedi. Show all posts
Showing posts with label komedi. Show all posts

6.8.16

Ghostbusters


(Larawan mula sa Wikipedia)



Hindi ko alam kung alin sa mga orihinal na pelikula ang napanood ko, pero napanood ko 'yung cartoons. "What's Piotr?" tanong ni Peter. "It's Peter, Peter," sabi ni Egon. "Peter Peter?" sabi ni Peter.
Nagustuhan ko naman itong Ghostbusters, lalo't na gusto ko si Kristen Wiig, at wala akong problema kay Melissa McCarthy (gustong-gusto ko kasi ang Bridesmaids). Medyo may problema ako kay Chris Hemsworth (distraction kasi s'ya), pero buti na lang at naandito si Kate McKinnon, na supercrush ko kahit na supporter ni Clinton.
Ang hindi nga lang mailigtas ni McKinnon ay ang ending ng pelikula. Una, 'yung eksena kung saan inilabas nila lahat ng bago nilang gadgets. Ang dating, pinagpapatay nila ang mga multo gamit ang kanilang proton laser (??), samantalang di naman nakakapatay ang mga iyon, di man lang nga sila nakaka-knock out e, ang tangi nilang nagagawa ay maparalisa ang multo nang panandalian para mahuli ang mga ito. Pero ang mas malaking problema ay ang pag-iwan ni Rowan sa katawan ni Kevin. Alam kong "masaya" dapat ang Ghostbusters, kaya di ko sasabihing dapat pinatay n'ya ito, pero di man lang ba n'ya magawang ibalibag?
Syempre pa, kailangan nating alalahaning walang multo, at hindi tayo dapat natatakot sa multo, o nag-aalay ng pagkain sa mga multo. Hindi rin sila nagpapadala ng mensahe na dapat nating sundin para magkaroon ng katahimikan sa buhay.
"Napanood" ko rin nga pala ang Lights Out, na dalawang daang piso lang yata ang budget, at ubod ng pangit, pero syempre kalahati ng pelikula nakapikit ang mga mata ko, kasi matatakutin akong tao. May kontradiksyon dito, di ko na babanggitin.
So anong gagawin natin? Unang-una, ipagbabawal na ang pagpapalabas ng mga pelikula tulad ng Lights Out, kasi kung gusto kong manood ng pangit na horror, dapat ay pelikulang Filipino ito. Pangalawa, kokontian na lang din ang pagpasok ng mga tulad ng Ghostbusters. Bagaman hindi sila masamang tao, di naman sa Pilipinas nagbabayad ng buwis sina Wiig at McCarthy, at di bumabalik sa atin ang bayad natin para panoorin silang maggaguhan.

20.6.16

Tremors 5: Bloodlines

Larawan mula sa Wikipedia




Mga tatlo o apat na taon na ang nakakaraan nang huli kong sinubukang panoorin muli ang buong Tremors franchise. Natapos ko naman ang Tremors, pero dahil memorized ko na ito't paulit-ulit na pinanood noong 00s, di na ako natawa sa kanya. Di ko na tinuloy sa Aftershocks. Sobrang hate ko ang television series, tatlo sa sampung episode lang nito ang pinanood ko.
Kung paglalabanin sa isa't isa, ito ang order ng kahusayan ng mga pelikula: Aftershocks, Tremors, Back to Perfection, Bloodlines, saka The Legend Begins. Mas mataas sana ang Bloodlines kaso nakakaburat ang anak ni Burt, na sobrang halata namang anak n'ya e di ba't pa s'ya di na lang nagpakilala agad. Ampangit din ng climax ng Bloodlines. Paboritong linya mula sa The Legend Begins: "Hindi man ako nakapag-aral, alam kong hindi tangkad ang sukatan ng pagiging lalake."
Ano bang gagawin natin sa serye? Mula nang mag-Aftershocks, si Michael Gross na talaga ang bida ng mga pelikula (paumanhin Fred Ward). Sa kanya naman ang mga pinakamahusay na hirit: "Alam mo bang sinisi n'ya ang paghihiwalay namin sa pagbagsak ng Unyong Sobyet?" S'ya rin ang kumakatawan ng espiritu ng Tremors: merong halimaw at kailangan itong patayin bago tayo patayin nito. (Sa Back to Perfection may kaunting otokritik na naganap: kailangan lang pakain ang assblaster para matalo, mas gusto pa nilang makasama si El Blanco kaysa ibenta ang lupa/kalayaan sa real estate magnate na si Marvin.) Sa pagtawag sa mga graboid, shrieker, assblaster o sa kahit anong meron bilang "halimaw," nagkakaroon na ng lehimitasyon ang pagpatay sa kanila. Hindi man lang nga lehimitasyon e, kundi saya.
Nagsusubok akong manood muli ng maraming pelikula, at ito ang pang-apat na napanood ko sa huling dalawang linggo. Kahit hindi paart ay ito ang pangalawa sa pinakagusto ko. Nostalgia syempre, dahil hindi lang naman ako ang nood nang nood sa Tremors noong 00s. Hindi ka na pwedeng umuwing muli, este di maaaring ibalik ang kahapon, pero atlist pwede mong alalahanin ang mga masayang araw.

19.6.16

Inherent Vice



Larawan mula sa Wikipedia



Pangatlong pelikula na ito ni Paul Thomas Anderson na napanood ko. Pinakagusto ko ang Magnolia, bagaman meron ding emosyonal na dating ang Punch-Drunk Love, gusto ko ang ideya na pinapalakas tayo ng pag-ibig.
Kailangan kong humingi ng paumanhin kay Anderson kasi akala ko s'ya ang direktor ng Almost Famous, at dapat sisimulan ko ang rebyung ito sa pamamagitan ng pagsabing dapat ata iyong Almost Famous ang dapat kong panoorin, at baka iyon ang mas magandang gawa n'ya. (Boogie Nights pala ang naisip ko.)
Di ko kasi gets kaya di ko nagustuhan ang Inherent Vice. Ay tink ang pinakagusto kong part n'ya ay... ang trailer na ninanareyt ni Pynchon para sa pinagbatayang nobela. Nakakatawa kasi 'yon kasi namahalan si Pynchon sa presyo ng libro. Natawa naman ako nang ilang beses sa pelikula, pero hindi yata pagpapatawa ang pangunahin niyang layunin. (Pinakanakakatawa iyong pagtatangka ni Doc na umeskapo kay Big Foot at sumadsad s'ya sa kotse.) E kaso di rin naman ako nahugot ng misteryo. Ni hindi ko nga maintindihan kung sino yung Big Bad e (pero nagustuhan ko 'yung pagkakabaril sa kanya ni Doc sa dulo).
Ke laki ng utong ni Katherine Waterstone. Ganun ba kaya talaga iyon, o may manipulasyon para magmukhang 70s ang dating? Di naman ako nahinaan sa pag-arte ni Owen Wilson, pero distracting s'ya, di tulad ni Benicio del Toro. Hindi naman kailangang sabihin, pero lagi namang magaan sa mata si Joaquin Pheonix.
Hanggang ngayon, Vineland lang talaga ang natapos kong nobela ni Pynchon. Di ko naman ito hate, at noon pa nga'y nasabi kong nagustuhan ko (pero nakalimutan ko na 'yung mga parteng nagustuhan ko, pwera na lang 'yung linyang "tuwing hinahalikan n'ya ang puke mo hinahalikan n'ya ang titi ko," napakalupit talaga ang alaala, lagi lang itong lumalabnaw).
Syempre pa, dapat idikriminalayz ang drugs. Kamatayan sa parusang kamatayan, kamatayan sa bilangguan.