Larawan mula sa Wikipedia |
Mga
tatlo o apat na taon na ang nakakaraan nang huli kong sinubukang panoorin muli
ang buong Tremors franchise. Natapos
ko naman ang Tremors, pero dahil
memorized ko na ito't paulit-ulit na pinanood noong 00s, di na ako natawa sa
kanya. Di ko na tinuloy sa Aftershocks.
Sobrang hate ko ang television series, tatlo sa sampung episode lang nito ang
pinanood ko.
Kung
paglalabanin sa isa't isa, ito ang order ng kahusayan ng mga pelikula: Aftershocks, Tremors, Back to Perfection,
Bloodlines, saka The Legend Begins. Mas mataas sana ang Bloodlines kaso nakakaburat ang anak ni Burt, na sobrang halata
namang anak n'ya e di ba't pa s'ya di na lang nagpakilala agad. Ampangit din ng
climax ng Bloodlines. Paboritong
linya mula sa The Legend Begins:
"Hindi man ako nakapag-aral, alam kong hindi tangkad ang sukatan ng
pagiging lalake."
Ano
bang gagawin natin sa serye? Mula nang mag-Aftershocks,
si Michael Gross na talaga ang bida ng mga pelikula (paumanhin Fred Ward). Sa
kanya naman ang mga pinakamahusay na hirit: "Alam mo bang sinisi n'ya ang
paghihiwalay namin sa pagbagsak ng Unyong Sobyet?" S'ya rin ang
kumakatawan ng espiritu ng Tremors:
merong halimaw at kailangan itong patayin bago tayo patayin nito. (Sa Back to Perfection may kaunting
otokritik na naganap: kailangan lang pakain ang assblaster para matalo, mas
gusto pa nilang makasama si El Blanco kaysa ibenta ang lupa/kalayaan sa real
estate magnate na si Marvin.) Sa pagtawag sa mga graboid, shrieker, assblaster
o sa kahit anong meron bilang "halimaw," nagkakaroon na ng
lehimitasyon ang pagpatay sa kanila. Hindi man lang nga lehimitasyon e, kundi
saya.
Nagsusubok
akong manood muli ng maraming pelikula, at ito ang pang-apat na napanood ko sa
huling dalawang linggo. Kahit hindi paart ay ito ang pangalawa sa pinakagusto
ko. Nostalgia syempre, dahil hindi lang naman ako ang nood nang nood sa Tremors noong 00s. Hindi ka na pwedeng
umuwing muli, este di maaaring ibalik ang kahapon, pero atlist pwede mong
alalahanin ang mga masayang araw.