Larawan mula sa Wikipedia |
Kaso ba ito ng ubod ng pangit na Phantom Menace at
passable na Attack of the Clones? Pero hindi, magandang pelikula ang Star
Trek Beyond, gaano man ka hindi nakakatawa ang ilang jokes. Hindi ko pa rin
gusto si Chris Pine at ang kanyang Kirk, pero natiis ko naman s'ya kahit
papaano.
May nabasa akong rebyu na wirdo raw ang solusyon sa
kahusayan ng kalaban na ginamit ng Enterprise crew para manalo. Hindi
naman wirdo, bagaman mas mahusay pa sana ang pag-foreshadow. Ang mas hindi ko
gusto ay ang "twist" tungkol sa tunay na identidad ng kalaban. Pati
actually ang buo n'yang motibasyon. Galit sya sa Federation kasi... di sila
narescue? At ang solusyon dito ay... wag mag-explore? Hindi ko rin gusto yung
bagong tauhan na naging kaibigan ni Scotty, at hindi ko man lang aalamin kung
ano ang pangalan n'ya.
Pakaraming problema, ba't ko nga ba nagustuhan? Siguro
dahil pinakita nila ang asawa't anak ni Sulu? Siguro dahil mahal ni Spock si
Spock, at si Uhura. Siguro dahil kupal 'yung alien na nagtaksil kina Kirk.
Siguro dahil andun 'yung chubby na kaibigan ni J. J. Abrams? Siguro kasi,
ampangit-pangit lang talaga ng Into Darkness, at nagpapasalamat ako sa
sansinukob na hindi rin disaster itong Beyond.
Wala nang susunod na pelikula dito sa matagal na panahon.
May parating na TV show sa 2017 ata, at syempre bukas naman ang isip ko, dahil
gusto ko talaga ang Star Trek bilang palabas sa telebisyon imbes na
pelikula. Pero kahit na di ko gusto si Pine at si Kirk, iba na naman iyon sa
nakasanayan kong mga mukha. Anthology raw ang format e, baka naman maganda. Ang
gusto ko lang naman sa Star Trek ay iyong mga parabola tulad ng
"Cogenitor," pagpapalapot ng moralidad tulad ng "Rocks and
Shoals," o paglalaro sa panahon tulad ng "Shattered." Kung meron
ng tig-iisang ganyan na nakapaloob sa isang "action" arc, kontento na
ako.
No comments:
Post a Comment